First Love, Second Chance Chapter 30
First Love, Second Chance Chapter 30
Habang naglalakad si Julie sa mall ay naka-agaw sakanya nang pansin ang isang babae at isang lalake na naka-abay sa baba.
Julie : Elmo.
Napahawak si Julie sa railings dahil naninikip ang kanyang dibdib. Napag-isipan ni Julie na huwag na lamang gumawa nang eskandalo. Isa pa, ano pa nga bang aasahan niya? Nung una pa lamang naman ay alam niya ng hindi seryoso si Elmo sa pagpapakasal at may iba pa ‘tong dahilan kung bakit ginagawa ‘to ni Elmo. Pero sa isang banda ay naisip niyang kailangan niyang komprontahin si Elmo dahil mali ang ginagawa nito pero hindi ‘to ang tamang panahon para gawin ‘yon.
” Ang tanga-tanga ko! ” Sa loob loob ni Julie
Pinigilan ni Julie na huwag umiyak.
-
-
-
Maqui : Say what?! May kasama syang ibang babae?
Sarah : Maganda ba?
Julie : Hindi ko alam.
Maqui : Hindi mo nakita yung mukha?
Tumango si Julie.
Sarah : Hoy gaga! Hindi porkit papakasalan ka nya dahil sa kompanya nyo eh papayag ka nang mambabae ang hayup na Elmo na ‘yon?!
Maqui : Oo nga! Wag kang martyr huh?!
Julie : Sinabi ko naman sainyo, may plano sya.
Sarah : May plano pala. Bakit pumayag kang magpakasal sakanya?
Julie : Kung hindi dahil sa kompanya namin, hindi ko na nanaisihin pang makita sya uli.
Maqui : Pag uwi mo! Palayasin mo!
Sarah : Kay Elmo yung condo, ano ka ba?
Maqui : Oo nga pala, ano?
Sarah : Oo!
Maqui : Birahan mo nang layas!
Julie : Hindi ko magagawa yon.
Sarah : Takte!
Maqui : Hoy Julie! May kokote ka ba hah?!
Julie : Pag binirahan ko sya nang layas eh, paano na yung kompanya namin diba?
Maqui : Puro ka kompanya! Kurutin kita sa singet eh! Tapos iiyak ka nang iiyak dito samin?!
Julie : Kayo na nga lang mapupuntahan ko eh, inaaway nyo pa ako.
Maqui : Hindi kita inaaway! Pinagsasabihan lang kita.
Julie : Maq, pwedeng babaan mo yong boses mo?
Sarah : Dumadagundong na ang opisina ko oy!
Maqui : Kasi naman Sarah! Yang kaibigan mo nasa kuko ang kokote!
Julie : Kaya pala pag-gising ko wala na ang hinayupak! Nang ba-babae pala!
Maqui : Anong umuwi kagabi?
Julie : Madaling araw na!
Sarah : Nangbabae nga!
Julie : Eh mukha namang palaka yung babae nya eh.
Maqui : Akala ko ba hindi mo nakita?
Julie : Maqui naman eh!
Maqui : Bahala ka nga dyan!
Julie : Anong gagawin ko?
Sarah : Komprontahin mo.
Julie : Sino naman ako para mag-kompronta diba?
Maqui : Pakakasalan ka nya no!
Julie : Dahil nga sa kompanya namin.
Maqui : Isa pang kompanya nyo, jujumbagin na kita!
Julie : Maq?
Maqui : Ano? Kompanya nanaman?!
Julie : May tinga ka pa!
Maqui : Saan? Hahahaha! Dada ako dito nang dada tapos may tinga pala ako!
Sarah : Hahaha! Tanggalin mo nga muna yan! Nakaka-distract, alam mo ba yon?
Maqui : Sige! Dyan muna kayo.
-
-
-
Bago pa man makatulog si Julie ay naramdaman nyang dumating na si Elmo.
Elmo : Julie?
Julie : Oh?
Elmo : Pag timpla mo naman ako nang kape oh! Lasing na lasing ako eh.
Julie : Mag timpla ka mag-isa mo! Matutulog na ako.
Elmo : Uy?
Julie : Maglalasing lasing ka tapos hindi mo naman pala kaya? Namumurwisyo ka pa nang taong natutulog!
Nagkabit balikat na lamang si Elmo. Napagpasyahan na lamang ni Elmo na magpalit nang damit pagkatapos ay tumabi na sya kay Julie. Naramdaman ni Julie ang braso ni Elmo sa bewang nya kaya’t kaagad nya itong tinanggal.
Litang ata ako sa mga oras na ‘to. Ang naiintindihan ko lang ‘yung #TogetherForever eh! Hahahahaha! :”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”>
