Now Playing Tracks

Like Yesterday 13

Chapter 13

Maqui, meron ako ngayon, wala akong extra sa bahay, pakisuyo naman, bilhan mo ‘ko. 

Nang na-send nya iyon kay Maqui ay humiga muna sya, napakasakit ng puson nya. Lumipas ang sandali ay nakarinig si Julie ng horn mula sa labas. Tumayo sya upang salubungin si Maqui, binuksan nya ang pinto at laking gulat nya ng biglang tumambad sa harap nya si Elmo, may dala dala itong supot habang nakangiti ito sakanya.

" Oh? Anong ginagawa mo dito? " 

Hindi pinansin ni Elmo ang tanong ni Julie, ” Masakit ba? ” Tanong ni Elmo pagkatapos ay pumasok ito.

" Don’t be shy, feel at home. " Julie said, sarcastic.

Hindi pinansin nito si Julie, inalapag ni Elmo ang supot sa table pagkatapos ay laking gulat nya ng inilabas ni Elmo ang isang pack ng napkin.

" Bakit meron ka nyan?! " She asked wide-eyed.

" Nag-text ka sakin, sabi mo meron ka, so bumili ako, tsaka bumili na rin ako ng CD, chocolates at kung ano ano pa. " Sabi ni Elmo habang inalalagay ang chocolate sa ref, lumapit ito kay Julie pagkatapos ay inabot ang napkin sa kamay nito.

" Mag palit ka na, nangangamoy ka na eh. " He joked.

She smacked him gently in the back of the head. Tumawa si Elmo pagkatapos ay hinalikan nito si Julie sa labi. 

" Love you. " Elmo said, while staring deeply in her eyes. 

" You too. " Sabi ni Julie pagkatapos ay kinuha nito ang iPhone nya sa pocket ng shorts nya, tinignan nya ang convo nila ni Maqui, at wala dun ang text nya, tinignan naman ni Julie ang convo nila ni Elmo at dun nya nakita ang text nya na para kay Maqui.

" Sabihin mo, " Sabi ni Elmo habang naka-nguso.

She rolled her eyes, ” I love you, too. Elmo, I love you too.. ” Sabi ni Julie habang naka-duling.

Tumawa si Elmo pagkatapos ay hinalikan nito ang ilong ni Julie.

" Ang lansa mo na, maligo ka na. " 

" Maraming salamat, boyfriend. " May halong sarkasmong sabi ni Julie.

-

Nang matapos maligo si Julie ay pinuntahan nito si Elmo, nanunuod ito ng TV, nakaupo ito sa sofa habang ang paa nito ay nakapatong sa lamesa

" At home na at home ka ah. " Julie said, umupo ito sa tabi ni Elmo, kaagad naman itong inakbayan ni Elmo at hinapit palapit sakanya.

" Naman, wala kang yaya o maid? " Tanong ni Elmo, napakalaki ng bahay nito pero ni isa ay wala itong kasama sa bahay.

" Wala. " Sagot ni Julie pagkatapos ay kinuha nito ang chocolate na nakapatong sa lamesa at kinain iyon.

" Nililinis mo ‘to? Yung buong bahay mo? " Tanong ni Elmo.

" Oo. " Simpleng sagot ni Julie.

" Kaya mo? " Elmo asked, wide eyed.

" Naman, oh, tignan mo ‘to. " Sabi ni Julie pagkatapos ay pinakita nito ang muscle nya kay Elmo.

" Wala naman eh. " Sagot ni Elmo habang pinipisil ang braso ni Julie.

" Meron, duling ka lang. " said Julie.

" Meron kang chocolate sa labi mo oh, " Sabi ni Elmo, papahiran sana ito ni Julie pero kaagad syang pinigilan ni Elmo.

" Let me, " Akala ni Julie ay papahirin ito ni Elmo gamit ang tissue pero laking gulat ni Julie ng bigla syang hinalikan ni Elmo at pinasadahan ng dila nito ang gilid ng labi ni Julie kung nasaan ang chocolate.

" Lasa kang chocolate na malansa. " Elmo joked.

" He-he-he, lasa kang kutchunango. " Sabi ni Julie.

He rolled his eyes, ” Imposible, ang bango ko kaya. “

" Bullshit. " 

Elmo kissed her, ” Yeah, bullshit. ” He said between kisses.

" Anong gusto mong panuorin? " Tanong ni Elmo ng maghiwalay ang labi nila.

" Ano bang dala mo? "

 ” Wrong turn 5, Walking Dead, Paranormal, The Grudge the Old Lady in White, tsaka….”

" Friend with benefits?! "

" Yeah.. " 

" Ikaw hah, naughty, naughty…" Sabi ni Julie.

Elmo stick out his tongue, ” Friend with benefits it is then. “ 

-

Moans and groans got louder and louder , habang si Julie ay naasiwa sa pinapanuod nila.

" We shouldn’t have watched this movie. " 

" Why? " 

" It makes me uncomfortable. " 

Tumingin si Elmo kay Julie, at nakita nitong pulang pula si Julie.

" Harder, babe…harder.." Sabi ni Mila Kunis mula sa movie. ( Hindi ko pa to napapanood kaya hindi ako sure kung may dialogue syang ganyan, hahahahaha! ) 

Lalong namula si Julie.

" Imute mo yan.  " 

" Why? Mukhang sarap na sarap naman sila eh. " Sinusubukan ni Elmo na huwag tumawa dahil kay Julie. Tinakpan ni Julie ang kanyang tenga gamit ang sariling palad, dahil dito ay hindi na kayang pigilan ni Elmo ang tawa nya.

" Moe, please, stop the movie. " Sinusubukan ni Julie na hindi marinig ang ungol mula sa TV.

Tinigil ni Elmo ang movie, pagkatapos ay humarap ito kay Julie.

" Bakit gusto mong patayin? " He teased her.

" Ang ano kasi…naasiwa kasi akong manuod ng ganyan….tsaka…ano…lalo na kasi lalake kasama ko…"

" My little innocent girlfriend…" He pinched her cheeks, kaagad naman itong hinawi ni Julie, she glared at him.

Nasa ganung posisyon sila ng biglang may nag doorbell.

" Ako na magbubukas. " said Julie.

" Sige, aayusin ko muna tong pinagkalatan mo, ang takaw mo kasi eh. "

She rolled her eyes, tumayo siya mula sa kinauupuan at tumungo sa pinto, nang binuksan nya ito, ay nakita nya ang taong hindi nya inaasahang makikita nya pang muli.

" What are you doing here? " She asked coldly. 

" Julie, anak… " 

" Don’t you dare call me that…. " She spat.

" Julie… " 

" Anong ginagawa mo dito? " 

" I want to make it up to you…. " 

" Make it up to me?! Are fucking kidding me?! After Six fucking years, ngayon ka lang magpapakita sakin…. para sabihing, ‘I want to make it up to you’?! " 

" I’m sorry…. I’m really sorry…. " 

" Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba niyan si Mommy, maibabalik ba niyan ‘yung nasira nating pamilya?! Hindi naman diba?! " 

" Pwede naman tayong magsimulang dalawa… " 

" I don’t need you! Nung kailangan kita, ne anino mo hindi ko nakita….. ngayong wala na kong pakielam tsaka ka magpapakita?! Bakit?! Ubos na ba ‘yung mga babae mo?! Nauntog na ba sila at napagtanto na wala kang kwenta?! " 

" Don’t talk to me like that, I’m still your father…. " 

" Father?! " She laughed bitterly, " You call yourself a father? I’m sorry to burst your bubble pero nung oras na iniwan mo kami…. nawalan ka na rin ng karapatan pari maging ama ko…. " 

" Julie Anne…. " 

" Get the fuck out of my house…. " 

" Pamamahay ko rin ‘to! " 

" Pamamahay mo?! Nung nilayasan mo kami, wala ka ng naiwan dito! Iniwan mo ko, si mama….. ‘tong pamamahay na ‘to….. and for your information, sakin nakapangalan ‘tong pamamahay na ‘to….. kaya lalayas ka pag sinabi ko! " 

" Julie, please? " 

" Naalala ko nun, dala-dala mo ‘yung maleta mo…. sabi ko…. ’ Daddy, please? ’ anong ginawa mo? Hindi mo man lang ako nilingon, tandaan mo ‘to…. lahat ng ginawa mo sakin, samin ni mama…. babalik sayo…. "

" Jul- "  

" Lumayas ka na dito bago pa ko mapilitang tumawag ng pulis! " 

" Julie, who’s that? " Lumapit si Elmo sa kinakatayuan ni Julie pagdaka’y nakita niya ang lalaking hindi pamilyar sakanya.

" Who are you? " Tanong ni Elmo sa ama ni Julie.

" Julie, who is he? " 

" It’s none of your freaking business, now…. pwede ka ng umalis…. " 

" Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ko kinakausap ng maayos…. " 

" You’re 6 years too late! I fucking hate you!!! Hindi na kita gusto pang makita, umalis ka na dito hangga’t natatantsa pa kita! " Tears rushed into her eyes, angry and vulnerable and tired tears.

" Julie…. " 

" Leave me alone!!! " She shut the door in his face.

She fell to her knees, she buried her face in her hands, kaagad naman syang niyakap ni Elmo pagkatapos ay itinayo sya nito. He comforted her with tender words, habang sinusuklay nito ang buhok ni Julie. He lets her cry hanggang sa hikbi na lamang ang lumalabas mula sa labi nito.

" Im sorry, I ruined your shirt. " Julie said, habang nakatitig sa damit nito kung saan basang basa dahil sa luha nya.

" It’s okay… " He lifted her chin up.

" Dairy Queen it is then. " Elmo said, he wipped Julie’s tears. Her face lit up, kaagad namang napangiti si Elmo.

-

Umorder si Elmo at Julie ng Blizard’s Mango Cheesecake. Dahil pick up ang kotseng gamit ni Elmo ay napagpasyahan nilang kumain sa likod ng kotse nito.

" Kamusta na ‘yong banda nyo? Wala ba kayong tugtog mamayang gabi? " Tanong ni Julie.

" This weekend, meron. " 

" Saan? " 

" Sa Tomas Morato, hindi ko alam kung saang bar dun. " 

" I didn’t know you can sing. Nalaman ko lang nung kinanta mo yung ‘They Don’t Know About Us’ " 

" Si Maqui lang nakaka-alam, " Sabi ni Julie habang nilalantakan ang ice cream.

" Why? " 

" My mom and I used to sing together, when my father left us, ni hindi na nya nga ako matignan, hindi na kami uli…kumakanta, " 

" Im sorry…"

" It’s okay, " She forced a smile.

Elmo put his arms around her.

" Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan, tandaan mo yan. " Anas ni Elmo.

" Promise? " 

He smiled at her, ” Promise. “ 

And they sealed it with a kiss..

-

Hi. :) Nakapag-update din. Hindi ko pa po napapanuod yang Friends with Benefits, nalaman ko lang sya dahil sa mababait kong kaklase. Parang namimiss ko na si Lauren sa mga storya ko, gusto nyo na ba syang makilala? Hahahaha! Charrooooott! ;)

37 notes

  1. aiannaleighocariza reblogged this from ilovejulielmo30
  2. peytonmary reblogged this from ilovejulielmo30
  3. momsie20 reblogged this from ilovejulielmo30
  4. kayekulit reblogged this from ilovejulielmo30
  5. julieann423 said: Pwed po bng wag na..? Hehehe
  6. ilovejulielmo30 posted this
To Tumblr, Love Pixel Union